Buhay Mangangaral
An open rebuke is better than hidden love! Wounds from a sincere friend are better than many kisses from an enemy. Proverbs 27:5 - 6 NLT My Ninong Pastor Loren C. reminded me of that verse when he had read my FB post: Ang lalaki ay para sa babae. Ang babae ay para sa lalaki. Iyan ang disenyo ng Maylikha, at kailanman ay di Siya nagkamali. Kung nauunawaan ng tao ang Likas Batas Moral na nakabatay sa Batas ng Diyos, bubuo at sasang-ayon din siya sa batas na di lang makatao kundi maka-Diyos." May mga ganyang pangaral na masakit at mahirap tanggapin. May mga taong sumasama ang loob sa taong nangangaral sa kanya dahil tinamaan nito ang ego niya. Tama, ang pagrespeto at pagtanggap sa kapwa ay dapat ibinibigay. Ang pagsasabi ng katotohanan mula sa Salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan ng paghusga sa tao na may ibang paniniwala, kundi ito ay tanda ng pagmamalasakit na iparating sa kanila ang katotohanan. Masakit ang katotohanan, ngunit ang tao ay may...