Buhay Mangangaral
Proverbs 27:5-6 NLT
My Ninong Pastor Loren C. reminded me of that verse when he had read my FB post:
Ang lalaki ay para sa babae.
Ang babae ay para sa lalaki.
Iyan ang disenyo ng Maylikha, at kailanman ay di Siya
nagkamali.
Kung nauunawaan ng tao ang Likas Batas Moral na nakabatay sa
Batas ng Diyos, bubuo at sasang-ayon din siya sa batas na di lang makatao kundi
maka-Diyos."
May mga ganyang pangaral na masakit at mahirap tanggapin.
May mga taong sumasama ang loob sa taong nangangaral sa kanya dahil tinamaan
nito ang ego niya. Tama, ang pagrespeto at pagtanggap sa kapwa ay dapat
ibinibigay. Ang pagsasabi ng katotohanan mula sa Salita
ng Diyos ay hindi nangangahulugan ng paghusga sa tao na may ibang paniniwala,
kundi ito ay tanda ng pagmamalasakit na iparating sa kanila ang katotohanan.
Masakit ang katotohanan, ngunit ang tao ay may
pananagutan na sabihin ang totoo.
"May muta ka, linisin mo ang mata mo."
"Mas maganda kung ito ang isusuot mo "
"Mali ang ginawa mo dahil niloloko mo siya."
Para sa tao na naniniwala na dapat niyang magsalita ngunit hindi niya ginawa, pananagutan niya ito. Pananagutan niya ang buhay ng mga taong
mapapahamak dahil hindi niya ginampanan ang kanyang tungkulin. Kaya para sa mga
nakatatanggap ng aral, matuto rin makinig at unawain ang pinagdaraanan ng mga
taong tinawag para buksan ang inyong isipan. Hindi iyon madali. Alam din niya na maaaring maraming magagalit sa kanya ng dahil sa kanyang sasabihin.
Higit sa pananagutan ay ang kanyang pagmamahal kaya mas pinipili niyang
sabihin ito kaysa manahimik.
Ang tunay na katuwiran ay hindi nakabatay sa kung ano ang
sinasang-ayunan ng majority o ng buong bansa. Ang katuwiran ay nakabatay sa
pagsunod sa utos at kalooban ng Maylikha.
Comments
Post a Comment