Testimony of My Journey With God: PRAYER MEETING
Ngayong gabi, pagkatapos ng nakakapagod na maghapon nagpapasalamat ako sa pagkakataon na makasama ang mga taong iyon kanina at makadalo sa prayer gathering. Third year highschool (Grade 9), ang unang pagdalo ko sa prayer meeting sa church. Malapit na ang school ko sa bahay kaya nakakauwi na ako ng mas maaga at hindi na masyadong pagod. Five years sa college, bedspacer na ako. Natigil na ang pagdalo ko sa prayer meetings. Hanggang naka-graduate na ako at nagkatrabaho. Maraming taon na ang nagdaan. Hanggang nalaman ko na wala na rin palang prayer meeting ang church. Nakakalungkot, ang pinakamahalagang gawain sa simbahan ay natabunan na ng ibang gawain. Eleven years na nawala ako sa prayer gathering. Nagkaroon na lang ulit ako ng pagkakataon nang pinili kong hindi na muna magtrabaho, magfocus sa anak ko at tumulong sa church ministry. Nanalangin na nawa magkaroon na ulit ng prayer meeting sa church. Praise God! Sa tulong ng aming pastor at ilang mga elders ay nasimulan ...