Testimony of My Journey With God: PRAYER MEETING
Ngayong gabi, pagkatapos ng nakakapagod na maghapon nagpapasalamat ako sa pagkakataon na makasama ang mga taong iyon kanina at makadalo sa prayer gathering.
Third year highschool (Grade 9), ang unang pagdalo ko sa prayer meeting sa church. Malapit na ang school ko sa bahay kaya nakakauwi na ako ng mas maaga at hindi na masyadong pagod.
Five years sa college, bedspacer na ako. Natigil na ang pagdalo ko sa prayer meetings. Hanggang naka-graduate na ako at nagkatrabaho.
Maraming taon na ang nagdaan. Hanggang nalaman ko na wala na rin palang prayer meeting ang church. Nakakalungkot, ang pinakamahalagang gawain sa simbahan ay natabunan na ng ibang gawain.
Eleven years na nawala ako sa prayer gathering. Nagkaroon na lang ulit ako ng pagkakataon nang pinili kong hindi na muna magtrabaho, magfocus sa anak ko at tumulong sa church ministry. Nanalangin na nawa magkaroon na ulit ng prayer meeting sa church. Praise God! Sa tulong ng aming pastor at ilang mga elders ay nasimulan na ulit ang prayer meeting sa church. Naniniwala ako na mas mahalaga sa Lord ang relationship natin sa Kanya kaysa sa mga handog o kaysa sa mga ginagawa nating paglilingkod.
Iilan lang ang dumadalo, pero tuluy-tuloy lang. Focus lang sa Lord. Darating din ang time na mauunawaan ng lahat na mahalaga din ang corporate prayer ng church.
Kanina ito ang Message that was sent by our pastor. Idinagdag ko na din ang reflections ko.
(1) Set a schedule (When to pray?)
(2)Write a prayer list (What to pray?)
*What concerns you?
*What concerns God?
(3) Have a right view of God (How to pray?)
Message: We are the bride and Jesus Christ is the groom. And imagine how the groom passionately waits for the bride before the wedding starts. Ganun si Jesus naghihintay sa atin.
Reflections: Marami bang gawain? May pinagdadaanan? Pagod na? Nasasaktan? O okey naman? Anuman ang kalagayan mo, hinihintay ka ng Lord. Ibigay mo sa Lord iyan. Nais Niya na minsan tumigil ka at hanapin Siya. Kausapin Siya. Pwede naman sa bahay, actually wala naman sa lugar iyan. Iba din kapag sa prayer gathering kasi naipapakita din ang UNITY doon at nabi-build din ang relationship natin sa isa't isa. At kung may mga problem o issues man, nalalaman ito at mas mauunawaan at sama-sama itong naipapanalangin.
Masaya ang Lord na naglilingkod tayo sa Kanya pero mas masaya Siya kapag inuuna natin na hanapin Siya para mag-build ng intimate relationship sa Kanya at maunawaan ang ways Niya. Bilang isang simbahan, napakahalaga nito.
Masaya ang Lord sa kasipagan at pagmamalasakit ni Martha, pero mas nalugod siya kay Maria na nagbigay ng atensyon sa Kanya. Kaya kung alam na natin ang schedule ng prayer gathering, baka pwede tayong mag-adjust to make ourselves available para makadalo.
Minsan naman ang nagiging hadlang sa pagdalo natin sa mga gawain tulad nito ay ang issues natin sa ating mga kasama. Maaaring misunderstanding o any kind of friction. Sa mga ganitong bagay, let us remember that God is a God of love and we should love one another as He loves us. Ask God for wisdom upang makapagpatawad at mas maging malawak ang pang-unawa. Kung kaya, maging open sa nararamdaman para ma-solve ang issue.
Message: "Kung lahat tayo ay may pananaw sa pag-ibig ng Diyos sa atin at nauunawaan natin na Siya ay naghihintay sa atin, very exciting ang ating worship. Our decision to come to God (in all aspects, including our decision to come in our prayer gathering) matters. Kahit ang desire at decision palang, even wala pa iyong actual, God honors it. Kung magkaroon man ng hindrances along the way, God will make a way para mangyari ang desire ng puso natin na makaattend." ❤
***
Mahalaga ang prayer gathering. Sana makita ito ng bawat Kristiano. Nauunawaan ko na hindi madali na makadalo ang mga employee na tulad ko din dati. Ang mahalaga naman ay naghahangad at nangangarap din tayo na makadalo. Posible naman na ibigay ng Lord ang prayers natin. Huwag lang sana na kahit may pagkakataon at kakayahan tayo na gawin iyon ay kinatatamaran natin o di kaya mas inuuna ang ibang mga bagay. Isipin na lang natin na para itong piesta. Sama-sama ang magkakaibigan at may pagkain na masarap na pagsasaluhan at ito ay ang Salita ng Diyos at ang presensiya Niya.

ESTABLISHING STRONG PRAYER LIFE(1) Set a schedule (When to pray?)

Comments
Post a Comment