MY REFLECTIONS ON MATTHEW 22:1-14
🌾 Anong mayroon? ☘️ May engrandeng kasalan ☘️ May nag-imbita . Ito ay ang hari. Siya ay naghanda at nagbigay ng pagsisikap para makarating ang mga inimbitahan. ☘️ May mga sinugo para mag-imbita . Ang mga lingkod ng hari. Sila ay sumunod sa utos kahit kapalit ay buhay nila. ☘️ May mga inimbitahan 1. May unang inimbitahan. Sila ay tila mga tao na may personal na relasyon sa hari. Ngunit ayaw nilang dumalo at may kanya-kanya silang kaabalahan at inuunang mga gawain. Hindi nila pinaglaanan at pinaghandaan ang araw ng kasal. Ang masaklap pa, pinatay ng iba sa kanila ang mga sinugo ng hari para sila ay puntahan at imbitahan. Sila ay hindi karapat-dapat. 2. May pangalawang inimbitahan . Sila ang mga tao na tila walang personal na relasyon sa hari. Masasama man o mabubuti, sila ay tinawag upang maging bahagi ng kasalan, at sila nga ay dumating doon. ☘️ May inimbitahan ngunit hindi nakasuot ng damit pangkasalan. Siya ay kabilang sa pangalawang inimbitahan. Dumati...