Ako Ngayon Dahil sa Ako Noon


"Life is a continuous learning."

I'm in my 30th year now, and still natututo pa din. Though may mga experiences na akong gustong kalimutan from the past, 'di rin maipagkakaila that my past has moulded me as individual. I admit na nagkaroon din ako ng mga questions before, complains, regrets, wishes na sana hindi na lang nangyari...sana pwede ko pang mabago. But in the end, I realized na ang mga ito pa din ang bumuo sa aking pagkatao. God has designed me to be somebody like that. God is allowing things to happen for my benefit. Kung nahirapan man ako o nasaktan, hindi iyon ang gusto Niya na makita o maramdaman ko. He just wanted to train me to be someone He has in mind because He wanted to fulfill His great plan for me, a plan to prosper and give me hope that my future is very beautiful. He let me pass through the fire, which heat He knows I can handle. He let me carry the cross, which weight I could bear. He will not permit anything beyond my capacity. More than myself, more than anyone, kilala Niya ako. He trusted me with things He believed I can do. I learned to trust Him too because I know hindi naman Niya ako pababayaan. He loves me in the first place.

Though the root cause of my childhood experiences is not clear in my memory, the effects shook my life upside down.

NOON madalas ako natutukso sa school sa pagiging bulol ko. I was in grade 1-4 that time at feeling ko napakahina ko. I lost my self-confidence kasi I can't speak well. Valedictorian naman ako noong nasa preschool ako, pero pagtungtong ko ng gradeschool nagkaroon ng pagbabago sa buhay ko. May mga subjects ako na hindi ko maintindihan. Kapag tinatanong ng teacher, hindi makasagot nang tama. Kaya natukso din ako na "bobo". Sabi ni Edmundo, classmate ko nang preschool at grade 1, na sipsip lang daw ako noong preschool kaya naging Valedictorian ako. I believed hindi iyon totoo at ginusto ko na patunayan iyon sa kanya at sa mga classmates ko kaso hindi ko agad nagawa. Isa pa nakagawa din ako ng isang pagkakamali kaya lalong nawala ang tiwala sa akin ng ibang kaklase ko. Gusto ko kasi i-perfect ang spelling noon kaso nang pinapa-spell na ng teacher ang "eight" hindi ko na maalala ang spelling. Naalala ko na may scratch paper ako sa bulsa na ginamit ko sa pagrereview. Natukso akong tignan at nahuli ako ng classmates ko na malapit sa upuan ko. Pasalamat na nga lang ako na hindi ako sinumbong sa teacher. Pero nawala na ang tiwala nila sa akin. Iniisip nila na kapag maganda ang score ko, nangopya ako. Nagsisi ako sa ginawa ko. Hindi ako masyadong masaya sa school dahil pakiramdam ko lagi akong napapahiya. Dahil dito iilan lang din ang mga nagiging kaibigan ko.

Nasa grade 5 ako nang nagkaroon ng pagbabago sa buhay estudyante ko. Naisip ko na hindi na dapat ako manatiling laging natutukso at mahina. Kailangan ko nang magbago kasi grade 5 na ako. Kaya simula noon ay naging active na ako at laging nagpa-participate sa klase. Sabi nila noon halos lahat nang malulupit na teachers ay nasa Grade 5. Pero sinabi ko sa sarili, "Kaya ko 'to!" I prayed na hindi na ako maging tulad ng dati na nabu-bully. Ewan ko ba. Nagbago na lang talaga ang ihip ng hangin noon. Hindi ko natapos ang grade 5 sa una kong school, pero nagpatuloy ang aking pagsisikap na mas maging mabuti hanggang sa lumipat na ako sa ibang school.

NGAYON, sa karanasan na iyon natutunan ko na hindi dapat ako manatiling talunan. I usually remember that while in the midst of trial. Kahit na pumapayag na lang ako na tuksuin ng mga kaklase ko noon, dapat lumalaban ako sa ibang paraan. At ang way na iyon ay ang i-improve ang sarili ko. Hindi ko naman talaga naging ugali ang pumatol sa iba. Kung totoo naman at hindi naman makakatulong, ang pagpatol ay waste of time lang. Kaya sarili ko na lang ang babaguhin ko kung kinakailangan. Imbis na sumakit ang ulo ko kakaisip na napahiya ako, natutunan ko na lang na pagtawanan ang pagkakamali ko. Although naging mahirap na proseso iyon sa akin. Maraming beses din sa buhay ko kasi na napahiya ako... pero nakita ko iyong ibang tao nga parang OK lang sa kanila kahit napagtatawaman sila ng iba. "No big deal.", tila sinasabi ng mga ngiti nila. Huwag ko na lang dibdibin o masyadong isipin ang sinasabi ng iba. Nangyari na ang nangyari. Ang kailangan na lang ay lakasan ang loob ko at hindi masyadong ipakita na apektado ako. The reality is lahat naman ng tao may kanya-kanyang kahinaan. Mapalad sila na hindi ko pinapansin ang mga kahinaan nila. Kawawa naman ako dahil may mga tao na naghihintay lang na magkamali ako. Pero kung tutuosin, OK na din iyon, dahil kung hindi dahil doon hindi ko makikita ang tunay na ako. Minsan o madalas sadyang masakit lang talaga ang paraan na dapat pagdaanan para mas makita ang mga dapat pang mabago sa sarili.

Mahirap para sa akin ang makisama noon, pero sinikap ko na gawin iyon. Malungkot ang buhay nang mag-isa at walang kaibigan. Pero syempre tamang pagpili ang dapat gawin. Tamang pagpili ng mga dapat na maging kaibigan. Mas magiging malungkot ang buhay kung babagsak ka lang sa mga taong akala mo ay tunay na kaibigan pero hindi naman pala.

Adolescence is a very critical stage. During that time I was unaware of my actions na naging mayabang na ako kasi feeling ko alam ko na ang mga ginagawa ko. Hindi ako nasanay na may direktang gumagabay sa akin. Ginusto kong magkaroon ng freedom sa mga ginagawa ko, sa mga iniisip ko. Gusto kong maging malaya na i-express ang nararamdaman ko sa paraang kaya ko at alam ko. Sa loob ng bahay pakiramdam ko nahuhusgahan ako kapag nageexpress ako ng nararamdaman ko. Dapat ganito, dapat ganyan. Paano nga, hindi ako ganoon? 'Di ba may iba't ibang language of love kaya for sure iba-iba din ang bawat tao kung paano nila pinapahayag ang nararamdaman nila? So as not to be misunderstood at para hindi na rin masyadong sumama ang loob ko, I chose to keep silent na lang. Dahil hindi ko maipahayag ang sarili ko sa loob ng bahay, naging outlet ko ang labas. Sa labas ko naipapakita ang kakulitan at ang “ako”. Although makulit ako, bungisngis, kalog sabi ng iba, tahimik lang din akong tao. Mahilig akong mag-isip at mas gusto ko din minsan na mag-isa lang ako.

Noong teenager ako, sabi ng mga magulang ko, hindi naman daw sila mahigpit sa akin... nagtitiwala naman daw sila sa akin. Ngunit bakit hindi ko naman iyon naramdaman noon? Puro sama lang ng loob ang nararamdaman ko sa kanila noon. Pakiramdam ko hindi man lang nila ako pinakinggan. Magtatanong sila tapos kapag sinagot mo ang tanong, pagagalitan ka pa. Napakahirap mag-open sa mga magulang ko noon. Gusto nila na maging open sa kanila pero hindi naman sila approachable. Dumating ang time na kahit pangalan ko ay ayoko ng marinig o isulat... dahil hindi talaga maayos ang puso ko... Walang iba na may alam na ganoon na pala ang pinagdaraanan ko within. Ang nakikita nila okey ako, masaya ako, malakas ako, pero hindi nila alam para akong monster. Monster kasi may hatred sa puso ko. Nagkaroon pa ako ng boyfriend na ayaw makita ang kakulitan ko. Nahihiya siguro siya dahil may nagsasabi sa kaniya na, "Bakit ba ganyan si Margie parang isip bata?" Dapat daw hindi ako ganoon. Umayos naman daw ako. Kapag masiyahin, isip bata na? Para na nga akong walang emosyon pagdating sa bahay... pati ba naman kapag kasama sila. May matutuwa ba sa ganoon? Why people oftentimes misinterpret my actions? Bakit ayaw muna nila akong kilalalanin? I love those people I can be weird with... at iilan lang pala ang mga taong iyon. I may have a child-like attitude but I am not childish.

Hindi nga kasi laging sweet ang buhay. Minsan maalat, minsan maasim, minsan maanghan. Pero no matter what the taste, huwag lang maging bitter. Bitterness is equal to ugliness. I learned na mahalaga na open-minded ako at makinig ako sa mga matatanda. Ang mga suggestions nila at mga advises ay sobrang mahahalaga. Sayang nga lang dahil dati hindi ako masyadong nagbibigay ng atensyon sa sinasabi nila. As time went by, natutunan ko na din na patawarin ang mga magulang ko even without them asking sorry for it. Inisip ko na lang na ganoon siguro talaga 'pag magulang na...may mga fears na. Hindi lang siguro mawala ang mga fears nila kaya sa ganoong paraan nila ako dinisiplina. If I were in their position baka maging ganoon din ako. I asked God to forgive me and give me a pure heart and wise mind -- a pure heart that will consistently love my parents and other people who caused me pain, and a wise mind that will deeply understand God's ways.

I learned na I really cannot please everybody. Kung sino pa iyong mga dapat na unang magmamahal sa akin minsan o madalas sila pa ang mga unang nakakasakit sa akin. I need to accept that fact dahil hindi pwedeng perfect ang relationship. Dahil kung perfect na ito malamang patay na ako at nasa langit na ako. May mga tao talagang hindi kayang tanggapin ako nang buo. So what?!?! I am still me. They may not like me, but I'm sure they will hate me more if I was not myself. I admit may mga naging kahinaan din ako, before and until now. May times na naging harsh ako. But now, I realized hindi ko pwedeng idahilan na lang lagi na, "E sa ganito ako!" I should be gracious and gentle because I must be like my Father. I asked God to turn my weaknesses into strengths... so I can be kind to those who are unkind, considerate and not selfless. I live in God's love and hoping na mag-overflow ang love Niya sa akin. I still believe na people who truly love me will remain.

Noon, mas madali ako nagpapanic, pero ngayon mas nakilala ko na ang kakayahan ni God na iligtas ako. I used to blame Him kapag may nangyayari na hindi maganda. Feeling ko wala Siyang pakialam, pinahihirapan Niya lang ako, or what. I was pessimist. Though sinasabi ko na I have faith, minsan hindi ganoon ang nagre-reflect. Until such time sinabi ko sa Kanya, "Ilang pagsubok pa ba ang kailangan kong danasin para masabi Mo na tama na, ok na ko? Alam ko naman na pagsubok lang ito pero hanggan kailan ba ito?" Then sumagi sa isip ko iyong madalas na sinasabi ko din na, "Kapag paulit-ulit pa ang problema na nangyayari sayo ibig sabihin hindi ka pa talaga natuto." It was like saying, "My faith is still weak." Then I asked God to forgive me and teach me to trust in Him more than ever before. Para kasi akong si Peter na sumubok lumakad sa dagat patungo kay Christ pero nang dumating ang waves, tinangay ng waves. Nawalan nang focus kay Christ na kasama niya at karamay niya.

Ngayon, hindi ko sinasabi na lagi na akong malakas, but I always lay everything to God. Experiences never stop so as learning. Kahit I'm getting older na still hinuhubog ng bawat araw ang aking pagkatao. I might be a kind person na pwedeng makalimutan, mabalewala, masaktan, makagalitan, masampal, mamisunderstood, kahit ako ang lahat ng iyon ang mahalaga sa akin ay ang manatili akong nakatayo kahit nasa gitna ako ng palayan...walang bahay, walang puno, pwedeng tamaan ng kidlat. Hindi ako dapat matakot dahil nagmamahal ako, umuunawa, nagpapatawad. Higit sa lahat, alam kong kasama ko ang aking Savior. Nararamdaman ko ang mahigpit na yakap niya sa akin.

Yes, hindi lahat sa past ay maganda, pero sana mangarap tayo ng mas magandang present and future. Naging part ng life natin ang ating past, pero it should not define us. Kung tayo ay na kay Christ, we are new at everyday binabago Niya tayo to becoming the best version of ourselves. Ang version na iyon ay ang katulad siya. Kaya manatili lang tayo sa pagtitiwala at pagsunod sa Panginoon. 

 I am Margie, a work in progress. Patuloy na hinahasa ng Panginoon sa bawat pagkakataon.

Comments

Popular posts from this blog

Strengths Finder

Send the Light

40 Years