The Best in the Worst
Naniwala ako na ang lahat ng bagay ay magiging mabuti at maayos as long as nasa Lord ako... naghangad ako at hiniling ko sa Kanya ang best. Pero tao ako at imperfect, tapos may mga kasama akong imperfect din. Kahit gaano ko sinikap maging best sa tulong ng Lord, bumagsak pa din ako. Iyong bumagsak ako, it’s like na-reject ako. Pwede din palang mangyari iyon kahit nasa Lord ka na? Yes, but in the process, I got it. God allowed it to redirect me and to lead me to the fulfillment of His purpose for me.
Kung
iisipin mo parang sa school, minsan kahit anong aral mo bagsak ka pa din o
mababa pa din ang score mo (totoo may ganung tao). You need time to learn. Ang
teacher mo, parents mo at kahit ang mga groupmates mo, they need to be patient
with you during those times na pina-process mo palang ung knowledge at
unti-unting inaapply ito. If hindi sila magiging patient sayo, total disaster
ang pwedeng mangyari. Ikaw din, need mo din maging patient sa sarili mo. Kahit
ikaw, pwedeng ma-discourage pag ung mga taong kasama mo ay walang tiwala at
suporta sayo. Pero sabi nga, tayo ang unang dapat maniwala at tumulong sa ating
sarili. Huwag natin iwan ang sarili natin, kahit iwan pa nila tayo. Good thing,
hindi pa naman ako sumuko sa sarili ko. Kahit na wala na ako, alam kong may pag-asa pa ako. Hindi ko man na kayang kumapit sa sarili ko, alam kong may higit ako makakapitan. Si Lord lang iyon. Mahina ako at kahit ang tao na akala ko andiyan para s akin ay iniwan ako, but I know my Creator loves me and He knows me and He cares for me. Oo,
ganun Siya sa ating lahat, kaya bumabalik ako sa Lord. Hindi ako tumigil na
maniwala na ang lahat ng bagay ay magiging mabuti at maayos as long as nasa
Kanya ako.
Pinakita sa akin ng Lord ang reality. Hinayaan Niya siguro akong bumagsak, para maramdaman ko ano pa ang hirap na kahaharapin ko at gaano
kalungkot mabuhay ng wala ang Lord sa buhay ko, sa buhay ng isang tao. Although
alam ko na iyon dati, pero iba ito, dinala ako ng Lord sa kalagayan na iyon na
may mga sobra akong pinagdasal na hindi nangyari. Sobrang mahalaga sa akin kasi
part ng buhay ko e, part ng history ko. Sympre sobra akong nasaktan kasi
nagtiwala ako sa Lord. Pero, sa kalagayan na iyon mas lalo Niya akong tinuruan na magtiwala sa Kanya. Ang reality wala talaga dito sa mundo ang
perfection. May Diyos tayo na perfect, but we are living in imperfect world
with imperfect people, with imperfect us. Ano nga ba ang aasahan natin? God is
powerful and merciful, but our sins separate us from Him. We really need to
repent from our sins and anchor ourselves to God para ma-save tayo mula sa
imperfect world na ito. Bakit nga ba ito ang sinasabi ko? E sino ba ang ayaw sa
perfection? Hindi ba ang gusto naman talaga natin ay laging maayos at maganda
tayo? Perfect?! Pero wala iyon dito sa mundo. Wala talaga dito ang total
happiness. Wala talaga dito ang magkukumpleto sa atin. No matter how a man
thrives in this world, pwede pa din siyang magkamali at masaktan. May mga tao
pa din na kahit gaano pa nagpapakabuti at nagpapakahusay sa sarili nila ay
hihilain pababa at sasaktan ng ibang tao sa paligid nila. Minsan para bang
kulang ang ibinibigay mong pagmamahal sa kanila na hindi rin nila kayang magmahal
sayo ng ganun. Kapag kulang ka, wala man lang tao na handang magmalasakit sayo na punuin ang kulang at tulungan kang maging better. Pero napakapalad mo kung nakatagpo ka ng tao na kaya kang hugutin pataas, kaysa hilaan pababa... isang tao na kapag nakikita kang malayo ay siya pang lalapit sayo at yayakapin ka... isang tao na itutuwid ka at di ka pababayaan. Nakakalungkot na may mga baby na ipapanganak na mararanasan
lang ang ganito sa mundo. Pero ipinaramdam sa akin ng Lord ang agape. Mag-agape
na lang ako sa aking kapwa. Siya nga Diyos na at nag-agape na pero na-reject pa
din at na-betray pa din, ako pa kaya? Lahat naman tayo ay may cross na kailangan dalhin at pagtagumpayan. And the cross is really too heavy and too
painful to carry, pero inisip ko na lang iyong promise ni Christ na magagawa din natin ang mga nagawa Niya. He promised na Siya ang magbibigay sa akin ng lakas at sasamahan Niya ako hanggang sa wakas. Nagkaroon ako ng hope na dahil na kay Christ ako, kung
paano Siya nagtagumpay ay ganun din ako. Although nasabi ko before na kunin na lang sana ako ni God para wala na lang akong sakit na mararamdaman, pero nung tinignan ko ang anak ko gusto ko pa din mabuhay para sa kanya. Hindi rin mabuti na kitilin ang sariling buhay. Kung binubuhay tayo ng Lord, it is for a good purpose kaya sana kumapit tayo. Hindi man natin kaya sa sarili natin, pero kaya natin magtagumpay sa tulong ng Diyos. Jesus conquered death, pinanghawakan ko na I am a conqueror too. Hindi ako namatay physically. Namatay lang ako sa sarili ko at hinayaan kong mabuhay si Christ sa akin. Kung dumating ang time ng physical death ko, I will resurrect with a new life with Him. Hindi pa perfect dito, pero magkakaroon din ng bagong
mundo na perfect na.
Tama
naman, maging masaya ka. Pero mas naging totoo sa akin na kahit gaano ka kasaya
dito, dahil may ganito ka o ganyan at ito ang nangyayari sa buhay mo,
pansamantala lang ang lahat ng iyon. Hindi talaga tayo pwedeng dumepende lang
sa mga bagay na nakikita natin dito. Mabuhay ka ng masaya, pero magkaroon ka
din ng matalinong pagpili sa buhay. We have to focus sa mga bagay na may
eternal value. Kaysa magalit at magmukmok, naisip ko na mas mabuting magpatuloy
sa buhay na alam kong patungo sa walang-hanggang kaligtasan, kaligayahan,
kapayapaan at kasaganahan, at sumama sa mga taong nagsisikap din na
makamit ang buhay na iyon sa tulong ng Diyos. Nakakatakot kasi kapag
mali ang kasama mo, pwede ka din mapahamak. Kung ang energy ng isang tao ay
pwedeng maipasa sa iyo, sino ang pipiliin mong makasama sa journey mo? May mga
tao pa din naman na mabuti at passionate sa Lord, at naniniwala ako na may mga
taong binibigay ang Lord sa atin na makakasama natin para makapartner natin sa
journey. Piliin din sana natin ang mga tamang tao na iyon.
Nasira man ang akala kong magiging mabuti at maayos, nagpapasalamat ako sa Lord
dahil nakita ko na tayong lahat ay nabubuhay lang talaga sa biyaya ng Diyos.
Walang maipagmamalaki, wala kahit isa. Wala tayong karapatan na tapakan at sirain
ang iba. Wala din tayong karapatan na hindi magpatawad. Mahalin natin ang isa’t isa.
Dumating man ang mga kaguluhan, aayusin pa din ng Lord. Although, natawa pa nga ako dati at nasabing, "Ano iyon? Babasagin Mo ako tapos bubuoin Mo ako ulit? Bakit hindi Mo na lang ako ayusin? Bakit kailangan ko pang mabasag ng ganito?" Pero, I was sorry about what I said to God. God is so patient with me. Ipinaunawa Niya sa akin na there are things that only pain can heal. There are times na pag unting pain lang, wala ka pa ding gagawing action. Pero kapag nabasag ka na at durog ka na, doon mo lang maiisip mas lumapit sa Lord at gumawa ng right action. The level of pain I received is enough pain I needed to be changed. Alam ng Lord iyon, pero di ko alam noon. Kaya kung nararanasan mo din iyon, look at the brighter side bakit kailangan mong dumaan pa sa klase ng pain na iyon. Learn to trust God’s love for you. His love for you is faithful and true, it is everlasting. He will never leave you nor forsake you. Learn to forgive (even if they are not sorry for that) because you are also being forgiven. Give others a chance to change (kahit parang imposible na magbago pa sila), because God has also given you many opportunities to be a better version of yourself. Love yourself, be patient with yourself. I learned to come to God kahit maraming bagay na di ako sigurado. Isang bagay na sigurado ako, alam kong mahal Niya ako. Ang gusto Niya ay madala ako sa perfection ko at sa perfect place na ipinangako Niya sa mga nagtitiwala sa Kanya. Alam kong mararating ko din iyon basta manatili lang ako sa Kanya hanggang sa dulo. Ikaw din sana.
For me, worst thing ang pain, but this feeling led me to the best thing ever. The pain directed me to my purpose, to the thing I am supposedly doing. Nasaktan din ang Lord dahil alam Niya na mapapahamak at mamamatay tayo spiritually and eternally kapag wala tayo sa piling Niya. But this pain, which is brought by His everlasting love for us, saves us from the death. Siya na mismo ang bumaba para ipakilala ang sarili Niya sa atin at iligtas tayo mula sa ating kasalanan. Ginawa Niya iyon kasi labis Niya tayong mahal. Niligtas Niya tayo kahit makasalanan pa tayo. Kahit nasaktan siya na nagrebelde tayo sa Kanya (hindi sumunod sa Kanyang kalooban), pinatawad at handa pa din Niya tayong tanggapin at gawing anak Niya. At kung magre-response tayo sa pamamagitan na pagtanggap din sa Kanya bilang ating Diyos at maniniwala sa Kanya, we will experience the gift of eternal life.
Anuman
ang worst feeling o situation mo ngayon, feel it, experience it, but do not
dwell in it. Come to God and ask Him saan Niya ba ikaw gustong dalhin. Wherever
it is, I hope the love of God will overflow through you, at makita mo na ang
best decision na gagawin mo pa din sa buhay mo is to follow your Creator, to
follow Jesus. Allow Him to heal you and restore you, and transform your
"worst" into your "best".
And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose. Romans 8:28
Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a
harvest if we do not give up. Galatians 6:9
Consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many
kinds, because you know that the testing of your faith produces perseverance.
Let perseverance finish its work so that you may be mature and complete, not
lacking anything.
James 1:2-4
For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. John 3:16

Comments
Post a Comment