Tigil Muna

Iyong gusto kong bumagal ang oras para sana lahat ng dapat kong gawin ay magawa ko nang hindi nagmamadali.

Sana pwede. Sa maraming ganap ko sa buhay gusto ko din alagaan ang sarili ko. Gusto ko din malaman kung healthy pa ba ako (spiritually, physically and mentally). Gusto ko din asikasuhin ang tahanan namin. Gusto ko din maging ready para sa pagtanda ng mga magulang ko, pagtanda naming mag-asawa at sa paglaki ng anak ko. I chose to work na rin sa ministry kasi iyon ang alam kong calling ko. Sobrang bless din ako kasi hindi ako pinababayaan ng Lord dahil binigyan Niya ako ng prayer partners at support partners. Nagvo-volunteer sa pagsusulat kahit di pa sigurado... kasi umaasa din ako na may magandang help ito sa finances namin. Sa totoo lang minsan nahihirapan na ako at nabibigatan. Gusto ko lang ng pahinga. Gusto ko lang din na bumagal pa sana ang oras.

Hindi normal ang naramdaman ko sa katawan ko lately.. pero umaasa ako sa miracle ng Lord. Na-realize ko na nagkaroon pala ako ng anxiety attack... dami ko agad inisip kasi nga may history at iba pa...bigla kong naramdaman na.. kaya pala kapag may mental health problem ka hindi madali ang bumangon at mag-move forward... Naisip ko ung ibang tao na nagkakaroon din ng anxiety attack. Parang walang words to explain... pero ung nga if you are going through din dun, don't feel bad about yourself... you just need time to process everything and you need God to strengthen you and give you enlightenment sa sari-saring nararamdaman at naiisip mo. Huwag madaliin. Hayaan lang mag-go sa process at unti-unti makarecover ang mental health. Totoo na ang worries ang pwedeng pumatay sa tao. Iyong tipong nag-overthink na. Totoo din na hindi lahat ng tao sa paligid mo ay makakaunawa nito unless na aware sila na it is happening kahit sa mga taong may faith na. Ang iba iisipin nila na "Di ba may Diyos ka na, bakit mo pa iyan nararamdaman?" Ok lang kung hindi lahat nakakaunawa at kung wala.. pero wag mong hayaan na kahit sarili mo di mo na matulungan na maunawaan. Self-awareness is vital. Tulungan natin ang sarili natin na maunawaan ang way of thinking natin. Pause and pray. Meditate God's word. Umiyak ako sa Lord and put my faith in Him. Siya ang hinahayaan ko na maging joy and peace ko para makapagpatuloy pa din. 

Alam ko naman na lahat ng bagay ay alam Niya (my financial, physical, and mental needs, and others). Kahit future ko at ng mga mahal ko sa buhay ay hindi secret sa Kanya. Kinailangan ko lang mag-process. Kailangan din natin ng time to process to figure out the things we are in and what will be our next move. I believe kaya hinahayaan din tayo ng Lord to get through different situations and emotions ay para makapag-reflect din tayo at ma-redirect din tayo ng Diyos sa nais Niya para sa atin --- sa fulfillment ng purpose ng buhay natin. Kaya appreciate na lang din natin ang process na makapag-pause and pray, kasi minsan hindi natin namamalayan gawa tayo ng gawa pero wala na pala sa tamang direksyon ang mga ginagawa natin. We need to pause and pray. Salamat sa Diyos kasi andiyan Siya. He's alive. He is true and faithful. Present Siya. Tumigil ako sandali.. and everyday I ask na palakasin Niya ako at patatagin para makabangon na ulit. May mga deadlines pa din ako na di pa din natatapos, pero I surrender it all to God. I take time and still doing my best to present myself worthy din sa mga nagtitiwala sa akin. May pagtigil na nangangahulugan ng pagtitiwala sa Diyos. Kung kailangan tumigil, tigil lang muna.. take time to listen to God and obey God.


Comments

Popular posts from this blog

Strengths Finder

Send the Light

40 Years