Service Leading

 



 



October 19, 2025, First time kong magservice lead (SL) sa Victory Dasmariñas - UBelt. Bagong experience, bagong kaba. Sobrang salamat sa Lord kasi natapos na. Salamat sa Kanya for giving me His word and for guiding me. Ang panalangin ko lang talaga ay ang Diyos ang nandon when I speak... na He will speak through me. He will anoint my lips and my life to be a living and powerful testimony of His love and goodness. 

Privilege na magawa ito, dahil para ito sa LORD... nagiging vessel Niya ako, pero minsan naiisip ko din na kung may iba na lang, sila na lang. Pero, at the end of the day, kung ano pa rin ang gusto ng Lord, iyon ang masusunod.  

I'm glad to be part of a group na na-train for service leading with Ptr. Ray Diaz. Thankful for Ptr. Ray for generously sharing us what he also learned through his service leading journey, pati na din kina Mae Ann Cambarihan who was guiding us sa schedule at mga need gawin, Ruth for messaging me with her prayers, Ate Jenn Delfino sa prayers and encouragements, sa Multimedia Team that Sunday na nag-ayos ng slides ko, Peejay na sobrang saya na makita akong mag-SL at nagtake pa ng picture 😂, kay Joycie na nagcongrats sa akin, rest of the L113 batch 8 na nagsend ng encouragements nila through words and reactions, Ate Lei na nagtanong na "Bakit ako naglalakad habang nagsasalita?"😅 Ang tinutukoy niya pala ay iyong sa pag-akyat ko ng stage during transition... nagbabasa na ako ng Bible wala pa ako sa center ng stage to avoid long silence after the worship... ok lang daw na pagdating ko sa center saka ako magbasa, sa husband ko na dumating to attend the 5pm worship kahit na may laro siya ng basketball, at kay Jamakk na nakisama sa akin dahil when I told him na huwag na muna niya akong kulitin before the service starts, pinilit naman niyang gawin, 😄

Speaking in front of the crowd is not my thing. Mas gusto ko ang nakikinig at wala sa frontline, pero I felt the urge from God na mag-speak na din the time na tinawag Niya ako to teach.  Medyo matagal akong hinasa ng Lord dahil I lacked confidence and courage. Hanggang ang LORD na lang talaga ang naging confidence at courage ko, dahil alam kong hindi ko kaya. At 'pag naiisip ko na matanda na ako para maging duwag sa ganito, lumalakas na din ang loob ko.

Kapag nagtuturo ako sa mga bata, okay naman ako. Pero kapag magseshare na ako ng testimony ko lalo na sa crowd, naiiyak ako palagi at nanginginig. Sabi ng kaibigan ko na si Kuya Roy, hindi ko daw macontain ang emotions ko. Kapag mag-isa lang ako at nagsusulat ng diary, umiiyak na lang kasi ako sa LORD sa sobrang pasasalamat sa Kaniya, there are times na hindi na ako makapagsalita. Kaya ayokong nagkukwento about myself lalo na minsan sa ginagawa ng LORD, kasi iniisip ko baka manginig na naman ako at iiyak. Nahihiya na rin ako kapag ganun. Iniiwasan ko na lang maoffend kapag sinasabihan nila akong "iiyak na iyan" o kapag may gumagaya sa way ng pagsasalita ko. 

Thankful sa reporting na ginagawa namin noong students ako kasi totoo naman nakatulong iyon sa pagharap ko sa tao at sa pagtuturo. Another, amazing thing na nangyari sa akin ay simula noong nakakapagturo na ako sa mga teachers/workers under CEF Cavite (2024), unti-unti na din akong nag-iimprove. Ang mahalaga sa akin ay haharap ako ng handa at alam ko ang sasabihin ko. Thankful sa LORD kasi siya ang wisdom and strength ko. Salamat, Lord, for allowing me to be used by Him kahit sa mga bagay na ayaw ko at tingin ko ay hindi ko kaya. Nagtitiwala ako sa LORD, dahil alam kong mas kilala Niya ako at mas alam Niya ang mga kakayahan ko kasi Siya ang gumawa sa akin. 





Comments

Popular posts from this blog

Strengths Finder

Send the Light

40 Years