Ending 2025 (NE - Ilocos)
Nagkaroon din ng pagkakataon na makapagbakasyon ulit. Salamat, family! Salamat Tito Boy and Tita Arcel for the love and generosity. Blessing ng Lord na kung nasaan kayo. Lalo pa kayong ibless ng Lord. Higit sa lahat salamat Panginoon for keeping our travel safe and peaceful. Salamat sa favor. Napakasaya.
Gusto ko talagang umuwi ng province kasabay ng pag-uwi nila Tito Boy and Tita Arcel from UK, kaso nagdadalawang-isip ako dahil sa pamasahe. I only have 2k or less. Pero nang nalaman ko na may free ride from NE to Ilocos, inisip ko na kakasya na ang pera ko. Marami rin sana akong gustong gawin pag-uwi ng province, like pagpunta sa bukid, pagbisita at meaningful na kuwentuhan with family, at pagtuturo sa mga kids doon, kaso ang ikli lang talaga ng time. Need rin umuwi agad para kay Dade. Hindi rin kami masyadong nakapagdala ng mga gamit dahil commute lang kami. What happened sa 3 days stay namin doon ay talagang once in a lifetime at sobrang memorable.
December 27-30, 2025
Dec 27 - Byahe going to Nueva Ecija. From Cavite, sumakay kami ni Jamakk ng Cubao papunta sa Cisco Bus Terminal. Binaba kami sa Q Mart. Medyo malayo ang nilakad namin papunta sa Cisco Bus Terminal. Pumila kami at naghintay ng matagal. Hanggang sa wakas, nakasakay na din kami. After 9 hours (Cavite to NE with waiting hours), finally nakarating na din kami ng safe and sound sa bahay nila Tito Jun. Masaya kami na maabutan na maayos ang pamilya.
Pagdating ni Tita Julie, sinama niya kami na puntahan ang isang kaibigan nila. Nalaman ko na ninang ko pala iyon. Si Ninang Bebe. Di manlang naipakilala sa akin ni mama noon, dahil nawala na sa isip niya. Pero sinabi sa akin ni Tita Julie na ninang ko siya dahil siya ang nagproxy nun dinidecate ako ni mama sa Lord. Salamat sa Lord, di ako nakalimutan ng ninang ko. She blessed me at nakahelp iyon sa akin during this vacation. God bless her too.
Dec 28 - From NE, we woke up at 1am to go to Ilocos Sur. Excited ang lahat na magkita-kita ang family. Nagprepare pa sila ng breakfast. Kasama ng pandesal na bitbit namin, masaya ang lahat na kumain at nagkwentuhan. Gumanda na ang bahay doon. Narenovate na.
Bumyahe din kami to Ilocos Norte. We visited the Paoay Church and the Malacañang of the North. Then balik Ilocos Sur to visit Vigan. Sa Vigan na kami ginabi. Maraming tao at sobrang sarap magwindow shopping, pero mas masaya kapag nakabili ka at nakabili din ng panregalo at pasalubong. Gusto ko sana bilhin iyong pangarap ko na blouse na may ethnic touch kaso di ko pa afford, saka iyong table mat na nilalagay lang sa gitna ng table. Sa pagbabalik na lang namin. Heheh. Dahil historical places ang napuntahan namin, isang magandang experience rin ito for Jamakk kasi naging field trip na rin niya ito.
We stayed sa isa sa mga apartelle sa Vigan. Peaceful at malinis kaya we enjoyed our stay there. Mababait pa ang mga staff and owner. Pinahiram pa ako ng mga hanger noong naglaba ako pagdating ko. Masaya ang mga damit ko (Hehe!!) dahil sakto naman na ang room na narent namin ay may access sa sampayan ng apartelle. Kailangan maglaba, wash and wear kami ni Jamakk. :)
Dec 29 - Gising na ng 5am. We had our breakfast at we made sure din na makapagdevotion and pray ni Jamakk. Next destination is Baluarte ni Sir Chavit. Ang saya din ng experience dito. Package A kami. Enjoy ang mga kids. Ang tapang din ni Jamakk kasi hinawakan nya ang isang phyton. Nakabili din ng kami ng kung anu-ano dito kasi mas mura kumpara sa iba.
After Baluarte, pumunta kami sa pagawaan ng palayok. Gusto sana namin itry kaso kulang na sa time. Kaya nanood lang kami sandali at nagwindow shopping. Dito ako nakabili ng murang phone chains, 3 for Php 100. Tumambay kami ng matagal dito while waiting for Mamsy. Bumili pa siya ng longganisa for Mamalu Bing.
Pinakabusy na araw namin ang Dec 29. Sinusulit talaga. After sa pottery, we went straight to Tita Jocelyn's home sweet home. Masaya na nakabalik dun after a decade. Last time is one-two year(s) old palang si Jamakk. Marami din ang nagbago sa house nila. Gumanda ito at naroon na rin ang office ni Atty. Francel. Salamat din sa masarap na food na hinanda ni Tita Jocelyn. Masaya kami na recovering na rin siya from her sickness. Solve ang snacks na lunch palang namin nung time na iyon. Pagkaalis, dumaan muna kami sa bayan for an emergency need at sinilayan din ang ganda ng municipal hall ng Tagudin.
Time to see a sea. Ang saya ng mga kids. Gusto sana namin magswimming kaso sobrang lakas ng alon. Good na yata ito for surfing. Sabi ni Tita Gemma di pa naman ganito ang alon dati. Ano na ang dahilan ng pagbabago? Nagkainan ang family. Sobrang thankful sa lahat ng naghanda ng food. Ang sarap! Inabot na kami ng gabi sa tabing dagat. Kinapa namin ang daan pabalik kung nasaan ang van. Buti may unting liwanag mula sa cellphone. Nagbanlaw ang mga bata sa poso ng mag-asawa na di ko makilala... Naglakad ulit kami kung nasaan ang van.. Tagal pala nilang naghintay sa amin, pero sa wakas maayos na nakabalik sa unang bahay na pinuntahan namin sa Ilocos Sur.
Doon na kami nagpahinga at natulog. Salamat sa room ni JR. Nakatulog kami ng maayos. Kasama ko sina Jamakk, Ericka at Kaela sa room. Ayaw pa magrest ng mga bata pero kailangan na. Maaga pa ang alis bukas. Wala na din extra damit si Jamakk kapag pinawisan pa siya sa paglalaro, kaya sinabihan ko siya na magrest na. Salamat sa Lord, obedient naman si Jamakk. Hindi na rin kasi ako makapaglaba that time dahil pagod na at hindi na rin naman matutuyo.
Dec 30 - Pabalik na kami sa NE. Ang sabi, "Wala nang hintuan ito ha. Derecho na tayo." Pero di pa rin naiwasan na huminto ng makita ang mga grapes. Sandali kaming nagstay sa La Union. Nakatikim ng purong grapes juice (puro sabi nila). May free taste! Natikman naman ni Jamakk ang grapes, blueberry at mangosteen nila, pero ako grapes lang. Bumili ako ng isang grapes juice. Bumili naman si Jamakk ng 3 for 100 na pastillas. May yema jam din kaso di na kami nakabili.
Pagdating sa NE, unang hinatid sina Tiffany and her siblings. Then kami naman bumaba na muna sa bahay ulit nila Tito Jun (kung saan kami unang nagstay sa NE). Sa sandaling oras bago maghiwa-hiwalay, kumain na muna ng tinapay at nagkwentuhan. Then, sumama na kami nila Mama at Jamakk pauwi sa bahay nila Tita Arcel dahil banda sa kanila na kami sasakay pauwi ng Cavite. Salamat din sa mga kamag-anak ni Tita Arcel na sina Tita Jasmine, AJ at Arriana. Sama-sama kaming naglunch (maliban kina AJ at Arriana).
Napansin namin na mas marami na kaming dala pauwi. Hinatid kmi ni AJ ng tricycle sa sakayan. Dun na sana kami sasakay ng bus, kaso walang dumadaan na bus. Kaya nagjeep na lang kami papuntang Cabanatuan. Mahabang byahe, pero dahil sa PITX naging madali. Gabi na nang makauwi kami sa Cavite. Inabangan kami ni Dade kaya nakauwi din kami agad sa amin pagkahatid kay mama.
Salamat Panginoon, sa safe travel. Pagpalain mo po ang buong pamilya at nawa lahat kami Sayo lang sasamba. Salamat po ng marami sa buong 2025. Sa mga susunod na araw, we will celebrate naman ang pagpasok ng 2026. Gusto ko lang mas maging focused sa goals natin a susunod na taon, kaya iniiwan ko na lahat ng worries ng 2025, at kasama ng aking pamilya patuloy na lalakad nang may pananampalataya at pagsunod sayo, Lord. Please help us, God.
























































































































































Comments
Post a Comment