Salamat sa Diyos sa opportunity na makarating sa Davao for 39th National Conference ng Child Evangelism Fellowship (CEF) Philippines. CEF is an international mission organization that works alongside the local Church to evangelize, disciple, and establish kids in a local church. I have been part of CEF since September 2023 as an area staff in Cavite. First time kong makasama sa CEF conference this year.
SALAMAT SA LORD sa favor Niya dahil nakasama kami ni Jamakk sa conference. Sayang, di kasama si Dade... 6 days din kasi ito sa Davao. Pero salamat sa Diyos kasi pinayagan niya kami at iningatan kami ng Lord habang hindi kami magkakasama.
Salamat sa CEF Cavite Family and sa GEC. Alam kong makakahelp din ito para maequip ako. Nagkaroon din kami ng time to rest and meet other local area workers all over the Philippines.
February 22, 2026 (Sunday), 11PM. We went na sa bahay nila Kuya Mhon. Nag-overnight na kami sa kanila para may kasabay na kami papuntang airport kinabukasan. Hinatid kami ni Dade. Salamat Dade. Wala man lang kami picture with Dade before umalis. Sad pero happy dahil sa safe din siyang nakauwi.
February 23, 2026 (Monday), 1 AM. Nagpaservice na kami papuntang NAIA 3. Salamat sa Lord sa safe travel. First time travel namin ito ni Jamakk by plane kaya may halong excitement din. Maayos ang byahe. Di lang kumportable sa tenga ko, at gustong-gusto ko na talagang makarating sa destination dahil parang sasabog na tenga at ulo ko. Ineenjoy ko na lang ang view, seeing the wonderful creations ng Lord above. Naalala ko ang Psalm 19:1, "The heavens declare the glory of God... "
Pagkababa, naghihintay na sa amin si Ate Rufa. Sa kanila muna kami magsstay. Yes, nakapagrest kami sa kanila for a while before namasyal. Naglunch kami sa Ponciano Street, Davao City. Namasyal sa People's Park at musuem. Nakakamangha lang kasi ang linis sa mga lansangan at napuntahan naming lugar sa Davao. Sana ganito sa lahat ng lugar. Nakavisit din kami sa bahay nila former President Rodrigo Duterte. May mga guard at may place din for souvenirs. Doon kami nakabili agad ng souvenirs. Scarf at damit ni Jamakk. Plan pa sana namin mamasyal sa Roxas kaso umulan na. Kumain na lang kami sa isang ihawan doon. Sulit at busog. Basang-basa kami nang umuwi kila Ate Rufa, pero salamat sa Diyos, hindi kami nagkasakit. Hindi pwedeng magkasakit kasi may 5-day conference pa. Salamat Lord sa buhay nila Ate Rufa at ng kaniyang family. Ang ganda at tahimik ng place nila. Nakapagrest kami ng mabuti. While we were there, I noticed na abala ang asawa ni Ate Rufa sa garden nila. May compost pit siya. Nakakatuwa na nagtatanim siya. Pangarap ko din gawin iyon kaso di ko pa nasisimulan.



February 24, 2026 (Tuesday). Maaga kaning gumising dahil babyahe na kami going to Samal Island. Pumunta muna kami sa SM Davao, at doon hinintay ang service na maghahatid sa amin sa Samal. Sakto naman ang nasakyan namin na van ni Ate Shirley at Jamakk ay iyong derecho na sa Samal. Salamat din sa Diyos dahil di na kami inabutan ng gutom kung saan dahil nakapaglunch na din kami doon sa Emilia Oasis of Faith. We spent the rest of our week there. Napakaganda, malinis, masarap ang food, mababait ang mga staff at may unli MX3 coffee pa. Walang softdrinks kaya masaya ako, dahil no need ko pigilan si Jamakk.
After the event opening, at ilang mga sessions ng first day, we went straight na sa Emilia Healing Resort kung saan naman kami matutulog at magsstay magdamag. Iisa lang ang may ari ng Oasis of Faith at Healing Resort na ito... I believe ang may-ari ng MX3 Coffee, siya din ang owner at nagmamanage dito. And I remember the first time I met her during the CedNet conference last year. Natuto ako sa kanya the way she applies the word of God in her life. Tunay ngang naging light at lamp ang Scriptures sa life niya.
Nasa Kubo 10 kami ni Jamakk. At first, nag-alala ako na hiwalay kami sa mga usual na nakakasama namin, pero naging opportunity iyon to meet new friends and be inspired by them. They are from Gensan, Surigao Del Norte and Iligan.
February 25-27, 2026 (Wednesday to Friday). Tuloy-tuloy ang sessions. Marami akong natutuhan at narefresh kami as we listen sa mga speakers. How I wish mas madami din time to visit the beach at magswimming every day. Haha! Thankful na rin sa sandaling time na makapagstay sa beach noong Wednesday. Masaya din si Jamakk kasi naexperience niya ang pool at dagat. Nagkaroon din kami ng pagkakataon manalo ng T-Shirt sa paroleta ng MX3. God bless you, MX3! Kasya kay Jamakk ang T-Shirt at masaya siya habang suot niya. Katulad niya ng T-Shirt ang mga staff.
February 28, 2026 (Saturday). Our last day. Salamat sa Lord sa napakasaya, refreshing at inspiring na conference na ito. I met lot of people na may same passion as me. Blessing talaga makapagwork sa ganitong klase group na alam mong iisa kayo ng tibok ng puso. Una sa lahat, mahalin lang ang Lord, second, mahalin ang mga bata at ishare sa kanila ang word ni God. Kaya naman di rin sila sumusuko na magtrain pa ng mga magtuturo at magmamahal din sa mga bata. Hindi lang teachers ang tinitrain, pati mga bata din upang maishare rin nila ang pagmamahal at pagliligtas ng LORD sa atin.
Gabi na when we arrived sa NAIA 3. Kila Kuya Mhon na din kami sinundo ni Dade. Bingi pa at bagsak na pagkauwi ng bahay. Buti na lang pagkagising ko ng Sunday, ok na ang mga tenga ko. Si Jamakk wala namang reklamo sa ears niya. Purihin ka, Panginoon, sa privilege na ito. Salamat sa favor! Salamat sa safe travel. Salamat sa spiritual and physical rest.
Sunday na! Sama-sama na ulit kami nina Dade at Jamakk magwoworship sa Lord.
Comments
Post a Comment