Not Single, But Married +1


B18 - 0301

Lahat ng babae ay gusto ng isang masaya at long-lasting relationship with the man they loved. May maagang naiinlove. May maagang nasasaktan. May maaga nagkakamali. May maaga ding napapagod. May maaga ding natututo.

Madali ba? Sinong magsasabi?

Since I heard the preaching about Love, Courtship and Marriage when I was in highschool, ang pinangarap ko na lang about my love life ay kung ano ang kalooban ng Diyos. But specifically hiniling ko din sa Diyos kung ano ang gusto ko. Pero hindi pala talaga sa lahat ng panahon ay nakukuha natin kung ano ang gusto natin. Pero ang kagandahan sa isang relasyon na ipinagkatiwala sa Diyos ay ang katotohanan na alam mo na lagi mo Siyang kasama at Siya ang magpapatatag sa iyo sa kabila man ng mga pagsubok sa relasyon na mayroon ka.

How to know if it is God's will? Ang alam ko lang mahalaga ang communication at connection ninyo ng Lord para malaman ang kalooban Niya. Sabi sa Romans 12:2, "Be transformed by the renewing of your mind to be able to test what is good, pleasing or acceptable and perfect will of God." Kaya iyon lang din ang ginagawa ko. God will give you wisdom to know if He is the right man for you. You will know it by the work of the Holy Spirit that is in you. Masyadong spiritual ba? But, you will be meeting your spiritual partner for life, di ba?... So it is best to entrust it to God.

Ang pakikipagrelasyon ay hindi isang laro. Ito ay isang bagay na pinaghahandaan at ipinapanalangin. Ang pakikipag-boyfriend or girlfriend ay isang paghahanda sa iyong marriage life. Kaya kung pangarap mo ng isang happy and harmonious family in the future, piliin mo ang klase ng tao na gusto mong makasama in the future. Iyong may masamang bisyo ba, tamad, walang galang sa magulang, walang pag-ibig sa Diyos? O iyong taong may magandang lifestyle, masipag at responsable, mabuting anak at mahal ang Diyos una sa lahat?

Sa umpisa palang, piliin mo na ang taong magugustuhan mo o magiging crush mo. Hindi maling mag-set ng standards. Hindi kasi iyan basta attraction lang o naramdaman mo lang,  because love is a choice. Ang romantic love ay nagsisimula sa paghanga. Kapag in love ka na, feeling mo lahat tama. At kapag na-fall ka na sa balon ng pag-ibig na napakalalim, hindi madaling makaalis dito. Kaya napakahalaga ang matalinong pagpili o pagpapasya na may karunungang galing sa Diyos. I always remember Kawikaan 3:5-6 na natutunan ko sa youth fellowship namin before:

"Kay Yahweh ka magtiwala buong puso at lubusan at huwag mananangan sa sariling karunungan. Siya ang sangguniin mo sa lahat ng iyong balak at Kanya kang itutumpak sa lahat ng iyong lakad."

Huwag lang magtiwala sa iyong sarili at nararamdaman, dahil kung walang gabay ng Diyos ay maaari kang mapahamak.

"Lord, kung hindi mo kalooban itong nararamdaman niya para sa akin huwag mo na po hayaan na magustuhan niya pa ako. Ganun din naman ako. Kung hindi naman kami para sa isa't isa ay huwag mo po hayaang magustuhan ko pa siya. Ibigay mo lang ang puso ko sa taong karapat-dapat dito. Alam ko po na hindi madaling magmahal. Dahil kapag nagmahal, hindi maiiwasan masaktan. Kaya Lord, kung masasaktan man ako loobin mo po na sa tao na lang na pinili mo para sa akin. At least worth it naman ang sakit."

During courtship, kinikilala ninyo ang isa't isa. Kapag in relationship na, mas makikilala ninyo ang isa't isa. Kapag kasal na, 'yan na! 😜 Diyan mo lalong makikilala... Kaya hindi 'yan talaga basta-basta! Dahil ang marriage life ay hindi parang nagpalit ka lang ng damit at kapag ayaw mo na, ayawan na. Hindi iyon ganoon!

Minsan naisip ko na mas mabuti pang maging single. Feeling ko kasi being in relationship is like hammering yourself. After heartbreak, ayaw ko ng nililigawan. Ayaw ko na din na ma-fall.🤫

Naisip ko na bakit ang ibang tao ay masyadong excited na magkaroon ng karelasyon o asawa. Sa bagay, iba-iba ang tao... At sabi nga ng iba, masayang magmahal.

Eventually, naunawaan ko din ang layunin ng Diyos kung bakit Niya ako hinayaang magkaroon ng matiyagang manliligaw at binigyan ng asawa na mapagmahal. Sa pamamagitan ng mga natutupad na panalangin, nagtiwala ako noon na nangyayari ang gusto ng Diyos para sa buhay ko. I followed His flow, dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Takot akong magkamali.

Naging kami, hindi dahil sa feelings lang, but because we prayed for each other's feelings and God's will. Throughout our relationship, patuloy akong nagtiwala sa kalooban ng Diyos. Long distance at nagkahiwalay din kami. Pero sa haba ng journey namin, nagkabalikan naman at kinasal din.

Madali? Sinong magsasabi?

Kahit ang sagot sa "Will you marry me?" nagka-struggle pa ako. But ever since, I claimed na God's will prevails. Kaya I followed His flow.

Ang bawat married couple,  lalo na kapag bagong kasal palang ay nagkakaroon ng conflict. May adjustment period talaga. Pero, huwag ka naman sumuko agad. Huwag ka naman bumitiw agad. Mahalaga ang quality  and open communication ninyong mag-asawa and your prayer life together. Magkaroon ng counselor na alam mong magbibigay ng godly advice. Trust, sobrang mahalaga iyan kaya kailangan nang katapatan at integridad sa isang relasyon.

I love my husband and the fruit of our love to each other. I may not have a perfect relationship, and may not be a perfect wife and mom,  but still giving my best to be one. Salamat sa Diyos dahil sa simula palang ay kasama ko Siya sa aking family life. Anuman ang pagsubok namin, kapit lang sa Diyos at sa isa't isa.


Just sharing my stories and things I have learned to serve an inspiration to the young people or to others who might be facing the same situation. Thanks for reading. God bless us all!

Comments

Popular posts from this blog

Strengths Finder

Send the Light

40 Years