Mom's Heart


B18-0303
\

Hindi mo kailangang maging nanay muna bago ka matuto paano maging isang ina.

May nagsasabi, "I will cross the bridge when I get there." And actually, we can prepare ourselves already, even before getting there, to be successful in our cross.

"Maiintindihan mo na iyan kapag nanay ka na din." Tama, mas mauunawaan natin kapag nandoon na tayo sa sitwasyon na iyon. Pero para sa akin, kung nailalagay mo ang sarili mo sa sapatos ng isang ina, kahit hindi ka pa o hindi ka isang nanay, mauunawaan mo din kung ano ang nasa puso nila. Kung handa ka, magagawa mo din!

Gradeschool ako ng mag-alaga ako ng bunsong kapatid. Nagpalit ng diaper, nang-uto para maipainom sa kaniya ang kanyang vitamins o mapaklang gamot, nagpatulog sa kanya sa pamamagitan ng pag-awit (kahit di ako singer) at paglilisa,  nagbuhat sa kanya kapag pagod na siyang maglakad, tinuruan siya ng ilang bagay, at nagsikap para "sana" maging magandang halimbawa sa kanya na pwede niyang tularan sa kanyang paglaki. Makaka-relate ang mga nag-alaga ng kanilang kapatid na masaya lang na gawin ang mga bagay na iyon. 😊
Patience, ang higit na natutunan ko noon.  Magagamit ko pala ito kapag kailangan ko na ng patience. Being a mom is more than that. 

Hindi pa ako mom nang nalaman ko ang tungkol sa MOMS MAGAZINE sa pamamagitan ng church missionary namin. I love reading MOMS kasi marami talaga akong natututunan. Ngayon, ako naman ang nagsubscribed sa MOMS para makatulong din ako sa distribution at magkaroon ng copies at maishare din sa tulad kong wife and mom na, at kahit sa mga kabataan at unmarried pa.

It is better to get in a place prepared than getting there confuse and unsure. Sa lahat ng aspeto, kahit sa pagharap sa problema, magagamit natin iyan. Kaya just maximize the time to learn and excel basta may pagkakataon. Hindi mo man magagamit sa ngayon, malay mo in the future.

A mother's heart is full of love and kindness.

Everyone can have a heart of a mom regardless of age, gender and civil status. Ang learning na pwedeng matututunan through studying (tulad na lang ng pagbabasa ng MOMS magazines) and through experience would really help us to become one of those great moms.


Just sharing my stories and things I have learned to serve an inspiration to the young people or to others who might be facing the same situation. Thanks for reading. God bless us all!

Comments

Popular posts from this blog

Strengths Finder

Send the Light

40 Years